Urbandub

Dedication muna, Para to sa kamukha ni Gabby Alipe na si Sir Darwin na prof ko sa ACmachines at adviser ko sa Thesis. Sir sana ipasa niyo nako wala pa akong subject na pumapasa sayo. 

*Pinalo sa pwet ang kaha ng sigarilyo*

▶ Tung tang tungtungtung tang tung tang tungtungtung tang *instrumentals* Wheeiin theee Fighting is oooover
Marinig mo palang parang biglang dumilim ang ulap at nagbabadya ang isang malakas na ulan, yun sakit na naramdaman mo nun naghiwalay kayo tapos naalala mo kabibili mo lang pala ng Secosana Bagsnaireregalo mo sana sa 3rd monthsary niyo. Sabay birit ni Gabby *Gaaave All thiisss time still we couldn’t laaaast* 

⏭ *Time has a wayyyy of healiiiing, or so they saaaayyy So why am I still left here cryin’?* Putang ina! *Sinuntok ang pader* swabeeee. Puta pinanuod ko music video neto makita mo si Iza Calzado na minomomol ni Ryan Eigenmann muntik ko pa mapagkamalan na si Johnny sins dahil sa eksena. Iba talaga si ryan puta di lang pang paranormal puta pang bakbakan din pala. puta pre ramdam ko si gabby pre sa video alam mo yun kalbo kana nga pinagpalit kapa sa kalbo. Mapapaawit ka nalang *Caught you in the arms of anothaaaa I’ve been dying everyday since then
Caught you in the arms of anothaaaa* parang reggae lang pero malungkot puta bagong genre. 

Maraming alaala sakin tong banda na to bwisit Girlfriend ko dito hahaha sa maskipaps nun si gabby na kumakanta nawala cellphone niya. Oshaa tama na ang kwento. 

Bonus Commentary galing kay Jensext:

Hi kagigs pasensya nandito kasi ako sa dubai ngayon alam niyo naman hindi pinupulot ang pera. Malupet to kase cinover nila yung kanta ni Clara Benin HAHAHAHAHA. De gago hayaan ko na si sadsud yung mag explain nung mga kanta nila. Tangina pasalamatan niyo yan inuuna niya review kesa sa thesis niya. Di tulad nung nasa hey barbara guitar cover na shinare namin.

Yung mga nakikinig neto pre sila yung mga naka chessboard na Vans tapos nag sskate sa ilalim ng tulay sa tapat ng sm marikina. Eto din yung mga maaangas na graffiti artist sa may kalentong tsong na nagproprotesta na ibaba ang presyo ng pringles. Kadalasan pormahan netong mga fans neto naka tribal na black tapos red yung logo, lee/dickies na maong. Jag na polo. Basta yung mga nabibili sa isetann. Okay na yan. Back to you sad sud.

Etong urbandub pre pag pinapakinggan ko to feeling ko nasa abandonadong building ako diko alam basta malamig na madilim sa pakiramdam. Mga awitin nila preng mejo seasonal yun tipong pag tag ulan lang with matching kape at yosi. Di ka gaya ni papa jesus na pang swimming na may kasamang redhorse at herbal medication. Di lang naman pang kalungkutan sila pre. All around yan. Pano ko nasabi. Pucha yun umutang sayo pag nakita mo kantahan mo *Long time no see, I’ve have been waiting A long time to be away from each other It’s been a long time, but I still remember* swak na swak diba. Sa inuman naman pre puta ewan ko ba walang tito mo na di idol to pre ewan ko ba basta urabandub pang titong tugtugan yan. Tapos feel na feel nila pre na sila si gab pag umawit sa videoke lalo na pag lasing. bantayan mo pre baka kumuha ng pang ahit kalbohin ang sarili.

Sa boses tayo ni gabby pre sakto lang pero swabe masarap sa pakiramdam parang unang inom mo ng malamig na tubig pagkatapos mo gumising galing sa pag walwal. Yun mga kanta naman nila pre dictionary pre kasi English para maramdaman mo maniwala ka kundi para kang naghimay ng bangus na nakapikit . Tska solid tong banda na to myembro ba naman si dong abay at loonie. Overall favorite ko sila mamen. 

Rate ko pa ba. Wag na. Basta malupet to. Urbandub yan e. 
Nagusap kami ni jensext pag na 5k likes to rereview namin ExB. 
*Sumundi ng yosi*

Tag niyo na tito niyo

-sadsud jensext

Shantidope

Soundtrip muna dito sa bus paren putang inang sariaya at tiaong puta maghating gabi na trapik paren.

Eto pre si shanti dope mga 6months ago ko nun una napakinggan puta unang kanta narinig ko e galit agad, galit sa maitim na utong.

Tangina pinakinggan ko ng 3 times ang ganda nun beat pre tapos mapapa bubum badum ha ha ha halika dito. Grabi grabi.

Tangina pre parang pinag rap mo si gloc 9 pero grin department yun kanta.

Sobrang nahook ata yun kapit bahay namin puta pinangalanan yun pusa niya na jaoming tapos kinakausap niya pre lagi ko naririnig tangina si maureen may pinapadilig daw ewan tangina.

Yun ka thesis kong putang ina araw araw sinasabi sakin na kilala daw nun tropa niya ng pinsan niya na taga mayon si shanti dope.

Anong pakealam ko.

Pre pero sa lahat ng mga kanta ni shanti dope pre yun nadarang pre solid.

Pag naririnig ko yan lumalawak sakop ng pandinig ko.

Parang kang nakinig ng kantang Kabet pero may utak ka.

Nadarang pre. Dinang dang sa apoy pre, nilapit sa apoy. Nakipag laro sa apoy.

Maganda himayin mga kanta niya pre.

Tska eto yun rap na kaya ko kantahin.

Tska yun materyal pre.

Naka record na ata sa utak ko yan.

Kasi puro ow ow ow. Ibibigay sayow lahat ng gustow mow. Pero pag hinimay mo yan pre malungkot puta parang pinag rap mo silent sanctuary.

Sobrang solid pre syanti dope. Isa sa magagaling na mangaawit ngayon kahit galit sa utong.

Tska eto lang yun rapper na yun kanta pinangalan sa sarili niya oh diba panis.

Masarap to pakinggan pag naliligo.

Yun lyrics na maitim na platito sa iyong harapan fuckkk.

Dapat sa part na yun hinihilod ko na kilikili ko.

Rate ko pa ba si shanti dope yan e

-shieshiedoggie

Rivermaya

24068142_2021321114782467_3182630888262004669_n.jpg

Mas masakit pa sa hiwalayan ng nanay at tatay mo to pre at ni jolina at marvin.

Gumuho ang mundo ko nun umalis si bamboo at rico dito napainom ako ng shembot noon, bale eto yun original na rivermaya pre walang ya to pre naulol yun langit nun pinakinggan ko to umuulan habang umaaraw.

Parang batman at robin to.

Kung si franco boses diyos tangina si bamboo boses kalikasan si rico naman boses santo papa.

Eto pre pampakalmang tugtugan pagkatapos sindihan si maria mapapahimas ka sa manok mo.

Malalim din to pre talo mo pa naghihimay ng bangus. Tugtugan to ng mga taong may pangarap sa buhay pero di talaga nila maabot. Kanta to lage ng nanay ko pag may trangkaso ako.

Tugtugan din to ng kabataan maagang nasipag asawa. Maraming conspiracy mga kanta nila pre na may anak daw si rico kay kc, na yun balisong daw e bali Indonesia.

Na tinago daw ni sharon yun anak ni rico. Himayin niyo yun antukin kaso easyhan niyo baka maniwala din kayo na flat din ang mundo.

Tangina pre sa inuman kanta to ng mga lasing para sa shota niya kaso siya lang nakakaalam na sila pala.

Malumanay awitin nila pre pero pag bumirit to gago baka di ka makatulog.

Wag to aaraw arawin pre baka magbigti ka iba hagod neto may halong depresyon pero masaya para kang ni rollercoaster.

Sabayan mo to ng chaser na nestea apple paniguradong pagkatapos ng limang kanta nagtetext kana sa ex mo.

Masarap to pre pakinggan gamit yun lumang vcd player niyo bahala ka na kung saan ka magpapaburn.

Pakinggan lang na may sapat na patnubay

Favorite food: isang bucket ng beer tapos kinilaw na isda galing ilog

Rate: 9.9/10

-sad sud